Please Pray After Reading This.

The other week, I was browsing through my fone's calendar and took note of some friends' coming birthday.

August 6. Tara Santelices. Someone I met way way before. I checked my fonebook, and I still have her number.

I was really planning to greet her on her birthday because we haven't communicated for quite a while. It would be a good start for a conversation, I thought. I will, hopefully, be going to Manila next month for the convention, and I was planning to meet up with her, since I can't remember anymore the last time we saw each other.

August 5. I was busy the whole day, because my classes ended at 7PM. I forgot about Tara's birthday.

August 6. Tara's birthday. I forgot to greet her in the morning, and so I planned to greet her in the evening instead. Afternoon, at around 3PM, I got a text from a common friend saying that Tara was shot by some evil person at around 1 in the morning and that Tara needs all our prayers. I couldn't describe what I was feeling that time.

She was shot on her birthday? How? Why? What exactly happened? I texted back and asked the details.

According to my friend, the jeep Tara and her bestfriend were riding on their way home was held-up and when Tara refused to give her bag with her laptop inside, the evil man shot her IN THE HEAD. She's in critical condition.

God, please. I hate situations like this. I hate the feeling when I know someone is fighting for his/her life. I just hate it, specially when he/she is innocent.

Tara has always been in my prayers since that day I received the text message. I couldn't contact anyone close to her right now. I don't know anyone of her family, her inner circle, her classmates. Wala. It's sad to know that I can not visit her in the hospital either.

I can only pray for her. That's all I can do, and I know that's all Tara and her family needs right now.

I was doing my rounds this evening and I saw this from Saab's blog. I didn't know she knows Tara too.

Please read this, and you'll realize how evil some people around us are.

This entry was taken from the blog of Ms. Lacsamana, a Filipino teacher from Assumption Antipolo. I got goosebumps when I read the last part. :( Btw, I don’t know Tara personally but her sister was my friend from gradeschool. Let’s continue our prayers.

“Kararating ko lang galing Medical City. Dinalaw namin at ipinagdasal si Tara. Kasama ko sina Sir Louie Lorenzo, Sir Lito Jimenez, Ms. Taks Clarete, Ms Ettie Miranda at Ms. Rorie Francisco.

Halos mapuno ang pasilyo ng ospital dahil sa mga nakapilang mga tao na nais makita si Tara. Nagtataka ang ilang nars dahil ang daming bisita ni Tara. Di nakatiis ang isang nars at nagtanong kung kaanu-ano namin si Tara. Sabi namin ” dati naming estudyante.” Ang sagot ng aming kausap ay ” ang dami niyang bisita hanggang kahapon.” Isang matipid na ngiti at sabay sabing ” oo, dahil marami ang nagmamahal kay Tara.”

Niyakap kami ni Lila, ang kapatid ni Tara na naging estudyante rin namin. Pinauna kami na makapasok sa ICU upang tingnan si Tara. Dala-dalawa lang ang maaaring makapasok sa ICU at sa labas lamang ng kuwarto na may salamin mo makikita si Tara. Sa ganoong sitwasyon sari-saring emosyon ang iyong mararamdaman. Mahirap at masakit sa loob na makita ang dati mong estudyante sa ganoong kalagayan. Halos maga na ang kanyang ulo na may benda. Malakas ang kanyang paghinga sa tulong ng respirator. Halos nakalabas ang itim na bahagi ng mata dahil na rin sa bala ng baril na nasa kanyang utak. Kausap namin ang kanyang ina at isinalaysay ang tunay na nangyari. 10% lang ang tsansa kung maooperahan siya. Ang bala ng baril ay “double action.” Ibig sabihin nito ay maliliit na bahagi ng bala ay nakakalat sa kanyang utak. Mahirap at maselan ang operasyon dahil iisa-isahing tanggalin ang maliit na bahagi ng bala.

Nagpakilala ako sa kanyang ina at sinabi ko na ako ang teacher-in-charge (IV-3 batch 2003) ni Tara. Tinanong ko siya kung ano ba talaga ang nangyari. Iba kasi ang mga naglalabasang balita.

Siya namang dating ni Joee, bestfriend ni Tara. Isinalaysay ni Joee ang tunay na nangyari. Birthday ni Tara ng Agosto 6. Nag-text sa kanya si Tara na magkita sa “Burger King” sa Marcos Highway. Galing pa si Joee sa CSB, Taft Ave. Napagkasunduan nilang hintayin ang 12:00 ng madaling araw upang ipagdiwang ang 23 kaarawan ni Tara. Matapos ang 12:00 ng madaling araw ay sumakay sila ng dyip pauwi ng Cainta, Rizal. Sila lang ang sakay ng dyip. Pahinto-hinto ang dyip upang magsakay ng pasahero. Hanggang may isang lalaki na sumakay sa dyip na umupo sa tabi ni Tara sa bandang hulihan. Pababa ang lalaki ng agawin ang bag ni Tara. Naghatakan sila sa bag. Nakarinig na lang ng putok si Joee na nakaupo sa tabi ni Tara. Nang tingnan niya si Tara, ito pala ang nabaril at sa ulo mismo. Sinabi ni Joee sa driver na dalhin sila sa malapit na ospital. Bago pa sila makarating sa malapit na klinika ay binaba pa isa-isa ang mga pasahero. Halos isang oras bago sila nakarating. Pagkahatid sa klinika ay iniwan na sila ng drayber. Tinanggihan ng klinika na tanggapin si Tara dahil hindi nila kayang gamutin. Naghintay pa si Joee ng mahabang sandali upang tulungan sila ng mga nars na tumawag ng taxi at dalhin sa Eulogio “Amang ” Rodriguez Hospital si Tara. Isipin na lang na 5’ 2 ang taas ni Joee at siya pa ang nagbuhat kay Tara. Di na makausap ni Joee si Tara nang nasa EAR hospital. Tinawagan niya ang mga magulang ni Tara at kanyang mga magulang upang ipaalam ang mga pangyayari.

Nakalulungkot isipin na buhay na ang nakabingit ay parang walang pakialam ang mga pasahero ng dyip na nagpababa pa sa kani-kanilang destinasyon. Ikalawa, kung di pa sumigaw si Joee upang magpatulong sa mga nars sa klinika na kanilang napuntahan na tumawag ng taksi upang dalhin sa pinakamalapit na ospital ay di pa kikilos. Siya pa ang nagbuhat kay Tara upang isakay sa taksi.

Medyo masakit at sariwa pa kay Joee ang mga pangyayari kaya di na kami nagtanong pa. Pumunta kami sa waiting area at nakita namin ang ama ni Tara. Tinawag namin ang mga kaibigan, kaklase at mga mahal sa buhay ni Tara upang manalangin. Sa pangunguna ni Ms. Taks Clarete ay ipinagdasal namin si Tara.

Pagkatapos ng limang (5) taon ay nagkita-kita kami ng aking mga dating mag-aaral at TIC class. Nakalulungkot ang sabi ng isang mag-aaral: "Ms, dito pa tayo nag-reunion.”

Sabi ko sa ilang mga dati kong estudyante na noong Agosto 1, bigla na lang sumulpot si Tara sa facebook at humihiling na i-add ko siya. Nang mabalitaan ko ang nangyari sa kanya ay tiningnan ko ang kanyang facebook profile. Sinulatan ko siya sa kanyang ‘wall’ dahil kaarawan niya. Di ko alam kung ano ang ibig niyang sabihin sa kanyang “recent activity” na nakasulat sa facebook: "Tara Bosch Santelices is chasing analog ghosts.” Ikinuwento ko sa kanila na para siyang may premonisyon. Ang sagot ng ilan ay: “Miss, sa kanyang YM ay kanyang isinulat: “bullet through my head.”

Para sa iyo Tara, nandito kami …. nanalangin at nagbabantay sa iyong paggaling.”



It did as well, gave me goosebumps.

Get well soon Tar. I'll pray as hard as I can for you. I'll see you soon.

No Response to "Please Pray After Reading This."

Post a Comment

Leave some lurve :)

 

Copyright © 2009 The Kai Complex All rights reserved.
Converted To Blogger Template by Blogspot Templates Theme By- WooThemes